home site links freebies resources mail Image Map
Ano nga ba ang nangyari?
 

  August 20, 2010 @ 2:26 pm     756 words in post   5 comments 

Ako din hindi ko alam.

Kaninang tanghali, kausap ko nanay ko. Napagkwentuhan namin yung kapatid ko. Tapos na kasi periodical exams nila, eh naglabasan na yung resulta ng test kaya kinuwento nya sakin scores nya. Hanggang sa nadako tungkol sa akin yung usapan. Kung reader kayo ng past blog ko ay malamang alam nyo na nakasama ako sa recognition last year. Top 5 to be exact.

Natapos na din kasi ang periodical test namin, at nakita ko na results ng exam ko. Sa totoo lang, mababa lahat ng exam ko. Ni isang exam hindi ko pinasa. Lahat below 38, tapos math naman ang lowest. Wag mo nang alamin yung score doon. Nakakahiya lang. Pero wala naman akong nakuhang 20 below.

May mga kasama naman akong nakakuha din ng ganung scores pero ang lamang nila sakin eh may line of 4 silang scores sa ilang tests. 42,44,40. Yan mga scores nila sa ilang subjects. Nakakahiya lang talaga, na pati values hindi ko naipasa. Bini-blame ko yung test paper namin. Bakit naman sa division office kasi nanggaling. Eh kung sa mga teachers pa namin yun nanggaling, edi mas okay! Mas madaling sagutan. Yung galing kasi sa division, may ilan dun hindi pa natuturo. Hula hula na nga lang ginawa ko sa iba. Isa pa, mejo sinisisi ko din sarili ko. Napagod ako magrebyu. Masyado ako naging kampante na kung ano tinest namin eh yun din ang itetest namin sa PTest. HINDI PALA DAPAT GANUN. Dapat pala nirerebyu parin. :) )

Kinausap ako ng nanay ko, sabi nya hindi naman daw ako dating ganun. Sa totoo lang, simula palang ng 4th year napansin ko din yan. Iba ang galaw ko nung 3rd year kesa 4th year. Nung 3rd year, masyado akong masipag..tapos ngayong 4th year parang gusto ko na agad grumaduate. HAHAHAHA. Di ko nga maintindihan sarili ko ba’t ganun nafe-feel ko. Sa loob ng room, mararamdaman mo yung tuwa, pero hindi yung saya. Mahirap i explain, pero mas gusto ko yung dating ako nung 3rd year. Sabi ng nanay ko maghanap pa ako ng ibang kaibigan, kasi naniniwala sya na yung mga taong kasama ko ngayon ang naghihila sakin pababa. Eh paano ako maghahanap kung sila na ang pinakamatinong tao sa room?

Iba talaga ang 4th year ko kesa sa 3rd year ko. Dati sobrang saya, tapos ngayon masaya nga pero di naman katulad nung 3rd year. Sabi ko nga, lahat ata ng biyaya natanggap ko nung 3rd year..tapos ngayong 4th year lahat naman nun kinuha sakin. AS IN LAHAT. Wala nang tinira. Ba’t ba kasi nagkaganito? Ano nga ba ang nangyari?

Kanina nga napatanong ako eh. Ano bang meron sa akin nung 3rd year na wala ako ngayong 4th year?

:starry: mga kaibigan ko. Yung mga barkada ko na handa akong tulungan at ihatid sa bahay. Mga barkada ko na kasama ko sa pangongopya *minsan*. Mga barkada kong nakakaalam ng buong pagkatao ko. Watak watak na kami ngayon eh.
:starry: mga kaaway. HAHAHAHAHA. Sa room ko ngayon, wala nang grupong umaaway sa kabilang grupo. Wala nang iringan kaya naman pag peace lahat, wala na masyadong iniisip.
:starry: crush/lovelife. OO WALA NA! Gulat nga din ako eh. May mga ilang nagpaparamdam, kaso di ko sila ma feel.
:starry: Mission. Ano ba mission ko ngayon? Nung 3rd year ako, mission ko ang magkaron ng top kasi nung 2nd year ako, wala akong ganun. Eh nung nakuha ko na, nasatisfied ako bigla sa sarili ko. Ganito kasi ako, pag nakuha ko yung gusto ko at nafeel ko na satisfied na ako, nakakalimutan ko na bigla na kailangan ko pala kunin yun for the 2nd, 3rd, 4th time.

:starry: chance para magka-top.

Hindi ko talaga alam bakit biglang pumasok sa isipan ko yung mga salitang “tama na yun” at “gusto ko na grumadweyt”. Hay nako.

Gusto ko parin naman magkaron ng top. Pero talagang hindi nakikiayon ang tadhana. Kahit anong sipag ko, hindi ko parin maramdaman na umaangat ako. Ano ba ang nagbago? May kulang ba? May sobra ba? Ano bang nagawa ko? Ano nga bang nangyari sa akin? Asan na nga ba ang key to correction sa mga tanong ko?!

Malayo pa ang 4th quarter. May ilang buwan pa akong natitira. May pag asa pa. Pero bakit ganun? Iba yung nararamdaman ko. Parang may mali. Oo may mali. Pero ano?

Hindi ko rin alam. :|

Ayoko talagang nagiisip ng ganito. Nakaka migraine lang eh.



  • Filed under: , ,






    A place in this world ♥
     

      August 18, 2010 @ 7:32 pm     300 words in post   3 comments 

    Exams are over! at last~~~ ;o;

    I thought our exams will be easy like our unit test so i didn’t reviewed much. What we all don’t know is..the test is from the Division Office *.D. . We all got a failing score, including the students from the pilot section last year. The test is really hard, so we made it a bit “fun” for us. We had a bet on all subjects. There are only two groups and each group has 5 members. Our group always win on every subject while the other unfortunately haven’t win any subject yet. The consequence of the game is, the group that will lose will do pumping on the subject they failed. Too bad on the 2nd group, they’ll do pumping tomorrow. :)

    We’re already computing our grades..So the next thing we will be waiting for is our class card and the top 10. I really wish I’ll be on the top 10. *cross-fingers*

    BS NUTRITION AND DIETETICS OR BS PSYCHOLOGY?

    That’s my biggest question right now ? I want to enter the medical field, but i don’t want to be a nurse. I have Hemophobia that’s why i can’t be a nurse. Mom gave me this courses..and i just have to choose what course I’ll be in. BSND will sure me that i can work inside the hospital while on BSPsycho course i still need another 4 years to be a licensed psychiatrist. Arrggg. I really don’t know what to choose! ~<3

    QUESTION:

    :starry: Do you believe in the saying “Action speaks louder than words?



  • Filed under: , , ,













    » © v6. S A C H I B Y U L ♥ I N F O All things that is here are mine unless stated. Version 12 ~ Vintage Dreams ☺